my bookwormness

January 8, 2007

first of all, di ko alam kung mapopost ko pa to. nakakabwisit na ang smart bro!!! palagi nalang napuputol. ewan ko kung bat ngayon lang to. pero usually talaga, mas mabilis to paggabi. eee! nakakagigil!

uhm, i’m about to say something about my bookwormness. when i was in first year high school, i can read at least 3 books in a week. pero ngayon, i hate reading books. baket kaya? i stopped reading when the internet dominated our home solemn home.

last saturday, i borrowed a book from the library. ‘atonement’ by ian mcewan. actually, i was just accompanying my classmate kasi naghahanap siya ng mababasa for the weekend sa bahay nila… and i really don’t have any plans to borrow. ako naman, patingin tingin lang sa title. the i suddeny picked a book – atonement. started reading the back cover. (tagal naman mamili ng classmate ko.) then i already read about 3 pages, just for waiting her. ako naman, sunud lang ng sunod sa buntot niya, naghahanap pa rin ng mababasa.

ayun, nakakuha rin. never saw the title. and i guess i have to borrow the ‘atonement’. nasimulan ko e. sayang naman kung hindi ko tatapusin. it’s a good book.

funny… until now, nandun pa rin ako sa 3rd page na yun. wahaha. i guess that have become my attitude for books now. wala na yung dating third na mahilig na mahilig na mahilig magbasa, kahit kumakain. i think i have to return this book tomorrow, baka mawala ko pa. mahirap na.

indeed, natabunan na ang kahiligan sa libro ng internet. internet dito, internet doon. mukha na akong internet! hehe. and i became an email addict to. (guess i have to buy those email phones, hahaha.)

but you know, sometimes, books (especially the ‘pocket’ ones) help me. it makes me busy. this thing was mentioned by our principal kaninang umaga sa general assembly. pocket book are invented to make books easier to bring, to make ourselves busy at time we have nothing to do.

our chemistry teacher was absent. and for 40 minutes, i just sat down and wept… joke! i just… sat down. nakatunganga. i wish i brought that ‘atonement’ to keep myself busy. my classmates were all very noisy. mabuti naman at for the next 40 minutes (second period), may proctor na. thanks for the boredom. hehe.

ps: i hate people listening to mp3 players, not that they want to listen, they want to show off they do have these players. bwisit! (ang pangit naman ng player mo no!)

responsibilidad

January 7, 2007

marahil ito ang dahilan kung bakit nabuo ang blog na ito. di ko alam kung saan ko to ilalagay sa isa sa napakadami kong blog. it’s responsibility – how i understood it.

january 5 ng gabi. ito ang huli kong pag-iyak. ang tanda ko noon, huli akong umiyak noong september dahil sa isang babae. at sinabi kong di na ako iiyak. pero nang isang araw, kakaiyak ko lang.

nasa downtown kami, kasama ko ang elder brother ko. bumili lang naman kami ng ink para sa printer kasi kelangan ko talaga. at palihim pa naming ginamit ang koche. kasi bawal e. nang pauwi na kami, biglang tumawag si mom sa celphone ni kuya. galit na galit daw. tumawag pala siya habang bumibili ako. galit na galit daw. may nagawa daw akong mali at bakit ko raw na iniwan ang celphone ko sa bahay. (sorry, tao lang!)

tumawag ulit si mom sa celphone ni kuya, habang kami’y pauwi na. sigurado namang wala akong nagawang mali. pero nang marining ko na ang boses nya, galit na galit na galit. at biglang lumakas ang heartbeat ko. (by the way, the call was from the US.)

yeah, i really did something wrong. it was the best scolding session i ever had with my mom. you see… before he left the philippines, sa akin nya iniwan lahat ng mga dapat gawin… mula sa mga bills, at ang pakikipag-usap sa mga cliente nya. (she’s a unit manager.) ako ang in-charge sa buong bahay, ako ang mag-uutos sa katulong (wow!), ako lahat! and it’s a great challenge.

we communicate through email, phone calls and sometimes, chat. when i talked to her, she said that her emails were of no use. panay instructions ang binibigay nya, yet di ko naman daw ginagawa. di ko na nga sya sinasagot sa phone nun e. i was speechless. i thought i had everything organized pero, may mali pa rin.

since friday, walang bangko the next day. duh. at may mali akong naiutos sa katulong namin. i had the worst insults from my mom that night. almost thirty minutes kaming nag-usap sa phone. my brother parked in a nearby fastfood resto. lumabas na muna sya. i was alone in the car talking to her… i mean, listening to her.

and for the last 3 minutes, humagulgol na ako. pero ayoko sa kanyang ipaalam. i can hardly speak, just saying ‘yes’, ‘no’.

the phone hanged up. tiningnan ko si kuya sa labas. nakaupo lang sa labas. di ko na muna siya tinawag. i wanna cry alone. ang dami kong inisip… after all, isa lang daw akong ‘tanga’. ako naman, walang inisip kung bakit tanga ako. kung alam nyo talaga ang nangyari, you’d definitely say na tanga ako. damn! why would i do such thing?!

then, pumasok na si kuya sa koche. hagulgol pa rin ako ng hagulgol, ni hindi na makapagsalita. si kuya naman nagalit, “bat ka naman umiiyak? tigil mo na nga yan!” sabi ko naman, “paiyakin mo nga ako! pakialam mo kung umiiyak ako!”

grabe! parang drama. i hate it na hindi ako pinapaiyak ng iba. tinawag nya pa akong bakla! sabi ko naman, lahat naman umiiyak a. sabi nya naman, “oo, pero ayaw kitang makitang umiiyak. umiyak ka kung wala kang kasama!” (eh, bat kasi bumalik ka kaagad?! hehe.)

it was a sad evening for me.

the next day was a saturday class. imagine na ang lesson namin sa religion deals with responsibility. sabi daw, responsibility does not only mean doing the minimum (or what was told to do) but to do your best out of it. oo nga naman. kahit pa raw gusto mong gawin ang pinapagawa sa’yo, kung mali man ang pagkakaintindi mo, mali ka pa rin… iresponsable ka pa rin. hay ewan.

after all, it’s a problem. and problems are meant to be solved.

hello world!

January 7, 2007

well, here i am again. i decided to start a new blog once again. the main reason was: i can’t choose a blog where to put an entry i want to write, and most of my classmates know these blogs. i want to write a personal entry that can be viewed by bloggers who don’t knoe me personally.

at dahil sa may bago na naman akong URL, ako’y muling magpapakilala. (talagang nag shift from english to tagalog! haha!)

ako nga pala si danilo at mas kilala ng lahat bilang ‘third’. at hindi nakasanayan ng iba na magpakilala ako bilang danilo. ako si third, hindi si danilo. sinong danilo? pangit naman ng danilo. =)

isang junior student sa ateneo de naga university.

mga kahiligan:

  • mahilig mag blog at may sangkatutak na URL.
  • mahilig magbasa ng libro lalo na ang harry potter.
  • mahilig magchat. dvillarey2006 pala ang id ko. at 35% of the day online.
  • mahilig manood ng dvd. series man o pelikula.
  • mahilig mangarap. ang dami kong gustong mangyari!

yan lamang. isang sulyap sa aking sarili. sana naman ay abangan nyo pa ang mga susunod na mga entry ko para mas makilala nyo pa ako.